Tuesday, January 25, 2011

Naging busy ako nung mga nakaraang buwan..kya hindi ko na din natutukan ang aking mga anak :(

Pero dahil si bunso ko ay magiging grade 1 na.... kailngan na namang ihanda siya sa isang pagsusulit para makapasok sa grade 1.

Friday, September 17, 2010

Sagisag ng Ating Bansa

Sibika at Kultura
Pambansang Sagisag”

Ano ang pambansang sagisag na inilalarawan ng bawat pangungusap? Isulat ang titik ng iyong sagot. Piliin ang mga sagot sa listahan sa ibaba.

a. anahaw                   f. Cariñosa                           j. kalabaw                            
b. bahay-kubo           g. Philippine                         k. baro't saya at barong tagalog
c. mangga                   h. narra                                l. Dr. Jose Rizal
d. sipa                         I. Sampaguita                      m. bangus
e. Filipino                                                                 n. Lupang Hinirang

_______1. Ang ating pambansang wika na itinaguyod ni Manuel L. Quezon.
_______2. Ang ating pambansang bayani na sumulat ng Noli Me. Tangere at El Filibusterismo.
_______3. Ang ating pambansng kasuotan. Madalas itong isuot ng mga Pilipino sa mga pormal na okasyon.
_______4. Ang ating pambansang bulaklak na sumasagisag sa mabuting kalooban ng mga Pilipino.
_______5. Ang ating pambansang hayop na sumasagisag sa sipag at tiyaga ng mga Pilipino.
_______6. Ang ating pambansang puno na sumasagisag sa tibay ng loob ng mga Pilipino.
_______7. Ang ating pambansang sayaw. Nangangahulugan ito ng magiliw o mapagmahal.
_______8. Ang pambansang prutas ng Pilipinas. Sagisag ito ng pusong Pilipino.
_______9. Ang pambansang dahon ng Pilipinas na nagagamit din bilang pamaypay.
_______10. Ang pambansang ibon ng Pilipinas na sagisag ng lakas at tapang ng mga Pilipino.
_______11. Ang pambansang isda ng Pilipinas.
_______12. Ang pambansang laro ng Pilipinas na sagisag ng bilis at liksi ng mga Pilipino.
_______13. Ang pambansang bahay ng Pilipinas na sumasagisg ng simple at maaliwalas na buhay.
_______14. Ang pambansang awit ng Pilipinas.

Nasa ibaba ang larawan ng ating pambansang watawat. Isulat ang mga isinasagisag ng mga kulay, bituin, at sinag ng araw nito. Gawing gabay ang mga sagisag sa baba.

Luzon, Visayas, at Mindanao
walong lalawigan na lumaban sa Español
Katapangan
Maganda at malinis na kalooban
kapayapaan




Isulat ang walong lalawigan na lumaban sa mga Español

1. B_ _ _ n g _ _                            6. N _ _ _ a   E _ _ _ a
2. B u _ _ c _ _                              7. P _ _ _ _ _ _ ga
3. C _ _ _ _ e                                 8. T _ _ _ _ c
4. L _ _ _ _ a
5. M _ _ _ _ l a

Wednesday, September 15, 2010

Plural Form


Urban at Rural

Grade 1 and up, pero ito ay ginawa ko para sa aking grade 1 :)  Nakuha ko ito sa iba't ibang website.  at aking tinipon.


Urban at Rural
Grade 1 - 2nd Grading
Quiz 2.2

I. PAMAYANANG RURAL AT URBAN
A. PANUTO: Lagyan ng √ kung ang sinasaad ng pangungusap ay totoo at X kung mali.
______ 1. Maraming puno at palayan sa pamayanang urban.
______ 2. Ang pagsasaka at pangingisda ay mga hanap-buhay sa
pamayanang rural.
______ 3. Sa pamayanang rural, may mahahabang mga tulay at
aspaltado o sementado ang mga kalye.
______ 4. Ang mga nakatira sa pamayang rural ay sumusunod sa mga
tradisyon, kaugalian at pamahiin.
______ 5. Ang mga bahay sa pamayanang urban ay gawa sa dahon at
kawayan.
______ 6. Simple lamang ang pamumuhay ng mga tao sa pamayanang urban.

B. PANUTO: Isulat ang titik R kung ang pamayanang tinutukoy ay RURAL at U kung
ito ay URBAN.
______ 1. Maraming malalaking gusali at tanggapan
______ 2. Mabagal at iilang uri lamang ng transportasyon
______ 3. Maraming tao ay may hanapbuhay bilang empleyado sa mga
tanggapan o manggagawa sa pabrika
______ 4. Iilan lamang ang mga likas yaman dito
______ 5. Makaluma ang mga tao dito

Isulat kung Urban o Rural



____________karamihan ay walang elektrisidad
____________Narito ang mga ospital, kolehiyo o unibersidad, pabrika
karamihang bahay dito ay nipa, sawali o tabla
____________Malapit sa kabundukan, baybaying dagat, tabing ilog at pansakahan
____________Simple lamang ang pamumuhay ng mga tao rito.
makabago ang kagamitan at sasakyan
____________Maunlad at maraming tao sa pamayanan

____________Maraming naninirhan sa pamayanang ito

____________Ang pamayanang ito ay hindi masyadong matao

____________Ang karaniwang pamayanan dito ay mga sakahan, palaisdaan o minahan

____________Maraming mga sasakyan, gusali at iba't ibang tanggapan sa pamayanang ito.

____________Madalas ito matatagpuan sa mga lalawigan

____________Ang pamayanan na ito ang madalas mauna magkaroon ng bagong kagamitan.



Sabihin kung saan sila nakatira. (Urban or rural)


  1. Ang ina ni Jimmy ay nagtatrabaho sa bangko. May malapit na ospital, paaralan at mall ang kanilang tirahan.

  2. Si Mang Jose ay isang mangingisda. Madaling araw palang ay nag tatrabaho na siya. Siya ay nakatira malapit sa dagat.

  3. Marami sa pamayangang ito ay mag sasaka. Marami rin silang ibang mga tanim tulad ng gulay at prutas.

  4. Si Joyce ay nakatira sa pamayanan na kung saan tabi-tabi ang mga bahay. Ang pamayanan nila ay may maliliit na parke at palaruan.

  5. Bulubundukin ang lugar na ito at ang mga bundok ay may ginto, pilak at iba pang mineral.

Ang pambungad

Naisipan ko nalang ilagay dito ang ginagawa kong questionaire sa tuwing mag kakaroon ng QUIZ or Exam ang aking mga anak... san tambak ng papel kse ang aming bahay... at tingin ng asawa ko ito ay isang kalat.... hmmmm...... kaya naman naisipan ko nalang dito ilagay.... tatlo ba naman ang aking mga anak.. pare pareho lang naman halos ang mga pinag aaralan... ang hirap din kase mag hagilap ng test questionaire sa bundok ng aking kalat.. hehehehe.  Sensya na nga lang at second grading na ako ng simula..... di bale..... ang makikita nyo dito ay aking ni research sa iba pang website na aking nakikita..... kung may link din kyong pede natin kuhanan ng mga questionaire i post nyo lang dito... maraming salamat... :)